28/07/2025
PROTIPS - July 28, 2025
Hard Times, Best of Times
By Maloi Malibiran-Salumbides
Ikaw ba ay nagdaraang sa matinding pagsubok sa iyong trabaho o negosyo ngayon? Ang sabi sa James 1:2-4, "Consider it all joy, my brethren, when you encounter various trials, knowing that the testing of your faith produces endurance. And let endurance have its perfect result, so that you may be perfect and complete, lacking in nothing." Mahirap man magsaya kapag mayroon kang problema, pero pwede ka pa ring maging joyful kahit may pinagdaraanan ka. Remember this, difficult times can be the best of times.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Hard times can be the best of times if we have the right response and attitude. At ano nga ba ang tamang tugon kapag dumaraan tayo sa matinding pagsubok?
1) Don't allow hard times to harden your heart. Hayaan mong patatagin at patibayin ng pagsubok ang iyong character. Pero huwag mong hayaang patigasin ng problema ang iyong puso. Trials are meant to smoothen the rough edges of our character. Hindi nga ba't ang ginto ay kailangang magdaan sa matinding init ng apoy para mawala ang mga impurities nito. Isipin mo na lang na pinapayagan ng Diyos na magdaan ka sa mga pagsubok dahil nais Niyang higit kang tumatag at lumago. Ang sabi ni Max Lucado, "'God loves you just the way you are, but He refuses to leave you that way. He wants you to be just like Jesus."
2) Be hopeful and expectant. Kapag mayroon kang matinding problemang pinagdaraanan, umasa ka na mayroon din itong magandang ibubunga. There's always a rainbow after the rain. Pagkatapos ng bagyo, mayroon mang ilang puno na maaaring nabuwal, pero pansinin mo kung gaanong kaganda ng kulay ng mga dahon ng mga halaman kapag ang mga ito'y nadiligan. Expect great things to happen after you go through major blows in your career and business.
3) Draw near to God. Sa halip na magtampo ka sa Diyos dahil sa pinagdaraanan mo ngayon, lumapit ka sa Kanya. Ang sabi ng manunulat na si C.S. Lewis, "Pain is God's megaphone to rouse a deaf world." Di nga ba't kapag nasasaktan at nahihirapan tayo, mas marami sa atin ang naka-aalalang lumapit sa Diyos? The best response to tough times is to draw nearer to God. May problema ka na nga lalayo ka pa sa Diyos, mas malaking problema iyan.
Hard times at work and in business can be the best of times. Have the right heart and attitude - maintain a humble heart, draw near to God and continue to be hopeful and expectant.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!