27/08/2025
Oras na para silipin bawat sulok ng inyong mga bibigπ
βDoc, may tigyawat ako sa gilagid?!?!β
-Ang tawag dyan ay Fistula. Karaniwang matatagpuan ang βpimpleβ sa gilagid/ ngala-ngala, pero hindi yan acne. Ibig lang sabihin may nana sa ngipin mo, infected and ngipin mo. π¦
Kung maalat din ang nalalasahan mo, or may kakaiba sa panlasa mo, malamang infected ang tooth mo.
βDoc pwede pa ba ipasta?β
Hindi na po. Kasi parang naglagay ka lang ng plaster sa sugat na may nana sa loob, hindi gagaling.
βDoc di naman po nasakit pwede pa ba ipasta?β Hindi na nga po mΓ¦m. RCT or bunot lang ang solusyon. π©Ί
Treatment for this:
1. Root Canal
βDoc di ba nakaka cancer ang root canal?β - kakatiktok mo yan! Walang scientific proof na root canal causes cancer. In fact, nakakatulong pa nga ang RCT kasi tinatanggal ang infection na pwedeng magdulot ng mas malalang sakit.
2. Bunot
Basta make sure na after bunutan ireplace ang missing tooth by means of pustiso or fixed bridge o pwede ring implant.
Kung may fistula ka na, ibig sabihin matagal nang may infection. Hindi solusyon ang pasta. To avoid problems like this, make sure to visit your licensed dentist. Yun lang, byeeee~ π¦·