26/07/2021
*Diskresyon ng manonood ang kailangan*
Ang pasyenteng ito ay nag-re-reklamo ng sakit at pamamaga sa taas at kaliwang bahagi sa loob ng kanyang bibig. Pagkatapos ng eksaminasyon sa bibig ng pasyente, nakita na mayroon siyang mga fixed bridges at jacket crown na may malalang periodontitis na dahilan ng kanyang paunang reklamo. Sumang-ayon ang pasyente sa pag-bunot ng mga gumagalaw na ngipin at pag-suot ng intermediate removable dentures (pustiso na sinuot agad pagkatapos ng bunot). Babalik ang pasyente pagkatapos ng anim na buwan para sa mas maayos na pustiso.
Ang hindi magandang oral hygiene ay maaaring mag-resulta sa mga bulok na ngipin (cavities), pamamaga ng gilagid (gingivitis), at pagkasira ng mga buto sa paligid ngipin (periodontitis), na magiging dahilan ng sakit (pain), impeksyon (infection), at pag galaw ng mga ngipin (teeth mobility).
Bumisita sa inyong dentista kada 6 na buwan, kumain ng tama, uminom ng maraming tubig, mag-sipilyo ng 2-3 beses sa isang araw, gumamit ng floss at mouthwash para maiwasan ang mga sakit na ito.
*The patient consented of taking photos, videos and uploading only on this page*