13/02/2025
BUNGISNGIS
By: Doc Harris Manalo Medrano
(a poem dedicated to )
yaang sobrang asukal, repinado man o hindi,
sa loob ng bibig, ay ngutngutin, ng mikrobyong matindi
kaya ang paghihiso ay galing galinge
at nang hindi maglayuan ang kausap at katabi
kalusugan ng bibig ay hindi laang sa bag-ang,
kasama lahat ng ngipin, dila, labi, ngidngid at lala-ugan
pagka ang panghiso ay iyo pang nakaligtaan,
pagkakain ay magmumog at magpakala ka man laang
at huwag na huwag, na saka laang pupunta,
pag hirol na sa sakit, may paniksik at paga na
gu-ang na gu-ang na’y malalim pa ang sira
pihong may basbas na’y May misa pa, ang iyong Dentista
malusog na gilagid, Malinis na mga pang-mais
hiningang pagkabango matam-is ang bungisngis
pag pumupog sa naiibig, kay mister o kay misis
pihadong makakabulos, hanggang tainga ang umis
ang bibig ay hindi laang pang-palakat at pang-higab
mantakin mong ang pagkain ay diyan unang kinakabkab
huwag mong hayaang mabunlos at manlaglag
yang mga ngipiy may malalalim na mga ugat
Kaya, pahalagahi ang iyong kalusugan
laging unahin kaysa ibang mga pakasam
pag ngipin na ang sumakit, tunay kang ramdam na ramdam,
Hindi laang ng bibig kundi ng buong katawan!
by
“The Philippine Dental Health Month is observed in February. This annual observance started in 1951 as National Dental Health Week but in February 24, 2004, it was expanded into a month-long celebration, pursuant to Presidential Proclamation No. 559 signed by then President Gloria Macapagal Arroyo.”