Barangay Dioquino Zobel, 3rd District Quezon City

Call Directions Contact the practice

Barangay Dioquino Zobel, 3rd District Quezon City Barangay Dioquino Zobel, Project 4, Quezon City is a community, neighborhood, residential area located in Quezon City.

24/09/2026

WELLNESS DAY mula sa ating Vice Mayor Gian G. Sotto

​LIBRENG SERBISYO PARA SA MAMAMAYAN

​📍 SAAN & KAILAN
​ Barangay Dioquino Zobel Mini Stage
September 25, 2026 Friday
Oras: 8:00 AM – 12:00 NN

​✂️ MGA LIBRENG SERBISYO:
​Free Hair Cut
​Free Hair Spa
​Free Facial

FYI TO ALL aspiring candidates
21/09/2026

FYI TO ALL aspiring candidates

19/09/2026

Inaanyayahan ang ating mga kabarangay sa Medical Mission and Feeding Program ng Rotary Club of Mabini Manila, sa Setyembre 20, 2026 (Linggo), alas-8:00 ng umaga sa Brgy. Dioquino Zobel Basketball Court.

600 participants ang inaasahang makikinabang sa serbisyong medikal at feeding program.

🌟 Serbisyo para sa kalusugan. Pagkalinga para sa bawat pamilya. Sama-sama para sa mas malusog na komunidad!🌟

Isang maalab na pagbati sa ating mga kabarangay.Nais po naming ipagbigay-alam sa lahat na ang pamunuan ng Barangay Dioqu...
19/09/2026

Isang maalab na pagbati sa ating mga kabarangay.

Nais po naming ipagbigay-alam sa lahat na ang pamunuan ng Barangay Dioquino Zobel, Barangay Council katuwang ang ating mga kabataan, ay nagsagawa ng paglilinis at pag-i-spray ng tubig sa ating barangay court. Ang hakbang na ito ay isinagawa upang mapanatiling malinis, maayos, at mabawasan ang hindi kanais-nais na amoy at panghi sa paligid ng ating pasilidad.

​Dahil dito, masigasig po naming pinakiusapan ang bawat isa na huwag magtapon ng dumi o umihi sa kung saan-saan lamang. Mangyari po sanang magpakita tayo ng respeto at pagpapahalaga sa ating mga kabarangay na nagtulong-tulong sa paglilinis, pati na rin sa ating mga kapitbahay na nakatira sa tapat ng mga lugar na ito na siyang direktang naapektuhan at napeperwisyo ng mabahong amoy.

​Ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng ating komunidad ay responsibilidad nating lahat. Inaasahan po namin ang buong-pusong kooperasyon ng bawat isa.

​Maraming salamat po.

Isinagawa ang home visit at monitoring ng mga postpartum mothers sa Barangay Dioquino Zobel bilang bahagi ng patuloy na ...
17/09/2026

Isinagawa ang home visit at monitoring ng mga postpartum mothers sa Barangay Dioquino Zobel bilang bahagi ng patuloy na pagsusubaybay sa kalusugan ng mga ina at kanilang mga sanggol.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Project 4 Health Center, sa pangunguna ni CHW Mary Louise Dacuyan, kasama sina BHW Marilou Mabalot, BNS Marjorie V. Delos Santos at Kgd. Nora Carino, Committee on Health, sa koordinasyon ng Punong Barangay at Sangguniang Barangay.

Patuloy ang pagsuporta ng Barangay Dioquino Zobel sa mga programang pangkalusugan para sa mga ina at sanggol. 💚

Isinagawa ang pamamahagi ng Birthday Packages para sa mga Senior Citizens ng Barangay Dioquino Zobel na nagdiriwang ng k...
09/09/2026

Isinagawa ang pamamahagi ng Birthday Packages para sa mga Senior Citizens ng Barangay Dioquino Zobel na nagdiriwang ng kanilang kaarawan para sa buwan ng Agosto at Setyembre.

Ang mga birthday package ay hatid ng Quezon City Government sa pangunguna ni Hon. Mayor Joy Belmonte, bilang pagpapakita ng pagkilala, pagpapahalaga, at malasakit sa ating mga minamahal na Senior Citizens. 💙

Ang aktibidad ay naisagawa sa pangunguna ni Punong Barangay Judy A. Concepcion, kasama sina Kgd. Nora V. Cariño at BHW Marilou A. Mabalot.

Taos-pusong pasasalamat kay Mayor Joy Belmonte sa patuloy na pagsuporta sa mga programa para sa kapakanan ng ating Senior Citizens.

Maligayang kaarawan po sa lahat ng ating Senior Citizens!🎉🎂 Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at mahabang buhay. 🙏💙






PAALALA SA LAHAT NG PET OWNERSAng Barangay Dioquino Zobel ay nagpapaalala sa lahat ng mga may-ari ng alagang hayop, part...
08/09/2026

PAALALA SA LAHAT NG PET OWNERS

Ang Barangay Dioquino Zobel ay nagpapaalala sa lahat ng mga may-ari ng alagang hayop, partikular sa mga nag-aalaga ng aso at pusa, na pairalin ang pagiging responsable at maingat sa pag-aalaga ng kanilang mga alagang hayop.

Hinihikayat ang bawat pet owner na tiyaking ang kanilang mga alaga ay may sapat na pagkain, malinis at ligtas na tirahan, wastong pangangalaga, at kinakailangang bakuna at serbisyong pangkalusugan.

Hindi po hinihikayat ng Barangay ang basta-bastang pagsuko o pag-surrender ng inyong mga alagang hayop.Ang pag-aalaga ng hayop ay isang responsibilidad na dapat paghandaan at panindigan.

Bago kumuha o mag-alaga ng pet, siguraduhing kayo ay may sapat na kakayahan, oras, at kahandaang pangalagaan sila hanggang sa kanilang pagtanda.

Ang responsableng pet ownership ay nagsisimula sa pagmamahal, malasakit, at pananagutan.🐶🐱❤️

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pang-unawa.

— BARANGAY DIOQUINO ZOBEL

29/08/2026
BDZ Evacuation Area and Monitoring Team headed by Punong Barangay
29/08/2026

BDZ Evacuation Area and Monitoring Team headed by Punong Barangay

Address

Lizardo
Quezon City
1109

Opening Hours

Monday 8am - 5am
Tuesday 8am - 5am
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63270074653

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Dioquino Zobel, 3rd District Quezon City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Barangay Dioquino Zobel, 3rd District Quezon City:

Shortcuts

Share