My First Dental Care Clinic

Directions

My First Dental Care Clinic My First Dental Care: Prevent future complications and enhance quality of life by prioritizing early dental care, even amidst a busy life.
(1)

Take the fist step for yourself. Come by anytime to check your dental health. Consultations are always free.

"Nagsisi ka na ba matapos magpabunot ng ngipin?"Noong una, parang wala lang.“Isang ngipin lang naman.”Marami pa naman ta...
05/09/2026

"Nagsisi ka na ba matapos magpabunot ng ngipin?"

Noong una, parang wala lang.

“Isang ngipin lang naman.”

Marami pa naman tayong ngipin, kaya iniisip natin,
“Okay lang siguro kahit mawala ang isa.”

Pero kapag wala na siya, saka mo marerealize…

Ay, grabe. Yung isang ngipin pala na ’yon, ang dami palang trabaho. 😅

Kapag kumakain ng karne.
Kapag ngumunguya ng matigas.
Kapag tumatawa.
Kapag nakikipag-usap sa ibang tao.

Habang nandiyan pa ang ngipin, hindi natin siya masyadong napapansin.

Pero kapag nawala na…

biglang ang lakas ng presence.

Lalo na kung front tooth.

Dati, automatic lang ang ngiti.

Pero kapag may nawawalang ngipin, minsan mapapansin mong tinatakpan mo na ang bibig mo kapag tumatawa.

Kapag may kausap ka, mapapaisip ka pa:

“Nakatingin kaya siya sa ngipin ko?”

Para sa mga nagtatrabaho sa sales, customer service, office, o sa mga taong laging humaharap sa ibang tao…

hindi siya maliit na bagay.

Pero alam n’yo ba?

Kadalasan, ang ganitong problema ay nagsisimula lang sa maliit na cavity.

Noong una…

Hindi naman masakit.

May konting maitim lang.

Medyo sensitive kapag malamig.

Minsan may sumisingit na pagkain.

Kaya ang usual na sagot natin:

“Sa susunod na lang.”

At dito medyo makulit ang cavity.

Hindi kasi siya marunong gumaling mag-isa.

Ang maliit na sugat sa balat, maaaring maghilom.

Pero kapag nagkaroon na ng actual na butas ang ngipin dahil sa cavity,
hindi ito basta mapupuno ulit ng bagong ngipin dahil lang hinintay natin.

Sa halip, maaari pa itong lumalim.

At kapag umabot na malapit sa nerve sa loob ng ngipin…

doon na siya nagpapakilala nang maayos.

Malamig — aray.

Ngumuya — aray.

Matutulog ka na sana — aray pa rin.

Tahimik buong araw ang ngipin…
pero pagdating ng 2AM, biglang gustong makipag-usap. 😅

At may isa pang bagay na maraming tao ang hindi alam.

Minsan ilang araw nang sobrang sakit ng ngipin…

tapos biglang nawala ang sakit.

Ang unang iniisip natin:

“Ay! Gumaling na siguro.”

Not necessarily.

Kapag sobrang nasira o namatay na ang nerve sa loob ng ngipin,
maaaring humina o mawala ang sakit.

Pero hindi ibig sabihin na nawala na rin ang infection.

No pain does not always mean no problem.

Sa ganitong stage, maaaring kailanganin ang RCT or Root Canal Treatment para maisalba pa ang ngipin.

Sa RCT, tinatanggal ang infected tissue sa loob, nililinis at dini-disinfect ang canals, at saka ito sine-seal para maprotektahan ang ngipin.

At dito pumapasok ang pinaka-sayang na parte.

Kung napa-check sana noong maliit pa ang cavity,
posibleng simpleng filling lang ang kailangan.

Pero kapag lumalim na…

mas maraming procedure,
mas maraming oras,
at siyempre…

mas malaking gastos.

At dahil hindi rin biro ang presyo ng RCT para sa isang working person, minsan ang sagot ay:

“Doc, bunutin na lang po.”

Understandable.

Pero tandaan natin:

Ang pagbunot ay maaaring matapos ang problema ng ngipin na iyon…

pero hindi ibig sabihin na tapos na rin ang problema ng space na naiwan nito.

Maaaring masanay kang ngumunguya sa isang side lang.

Maaaring gumalaw ang katabing ngipin o magbago ang bite over time.

At eventually, baka kailanganin mo ring isipin ang replacement tulad ng denture, bridge, o implant.

Kaya kung may pinakamagandang marinig sa dental clinic, hindi ito:

“Need na po ng RCT.”

At lalong hindi:

“Kailangan na pong bunutin.”

Mas magandang marinig ang:

“Maliit pa naman. Kaya pa natin itong ayusin.”

Kaya hindi naman kailangang hintayin na sobrang sakit bago pumunta sa dentist.

Minsan sapat na ang simpleng tanong:

“Doc, cavity na ba ito?”

“Sumakit ito dati pero okay na ngayon. Okay na ba talaga?”

That’s enough reason para magpa-check.

Visit your nearest dental clinic.

Hindi ibig sabihin na kapag pumasok ka sa clinic, bubunutin agad ang ngipin mo.

At hindi rin automatic na…

pag-upo mo sa dental chair, iiyak na agad ang wallet mo. 😅

Unahin munang alamin:

Ano ba talaga ang kondisyon ng ngipin?

Kaya pa ba itong maisalba?

Ano ang urgent?

Ano ang puwedeng unahin?

Check first.
Understand the problem.
Then treat the most urgent teeth one by one.

Hindi kailangang gawin lahat nang sabay-sabay.

At para naman sa mga nakaranas nang magpabunot ng ngipin…

May tanong kami sa inyo.

Ano ang pinaka-pinagsisihan o pinaka-nahirapan kayo pagkatapos mawalan ng ngipin?

Sa pagkain?

Sa pagngiti?

Sa pakikipag-usap sa ibang tao?

O noong naisip n’yo:

“Sana pala napaayos ko ito nang mas maaga.”

Share your experience sa comments.

Baka ang simpleng kwento ninyo ang makatulong sa isang taong may maliit na cavity ngayon pero paulit-ulit na sinasabing…

“Sa susunod na lang.”

At baka dahil sa kwento ninyo, may isang natural tooth na maisalba pa.

Kapag nandiyan pa ang natural tooth, parang ordinaryo lang.
Pero kapag nawala na… saka natin siya nami-miss.

Kaya huwag masyadong matakot sa dental check-up.

Bago sumakit.

Bago lumaki ang problema.

Magpa-check lang muna.

At hangga’t may paraan para maisalba ang natural tooth,
sana ang extraction ay maging last option.

At My First Dental Care, our dentists always do their best to first check if your natural tooth can still be saved.

Dahil minsan, ang pinakamagandang dental treatment ay hindi ang pinakamalaki o pinakamahal na procedure.

Minsan, ang pinakamagandang treatment ay iyong ginawa natin bago pa maging malaking problema ang maliit na cavity.

"Don’t let fear or money steal your tooth.
Let’s save it—before it’s too late."

-My First Dental Care Clinic-
*Monday to Sunday 10AM to 7PM
*PM/DM for appointment
*Walk-Ins are welcome!

Masakit ba ang ngipin mo ngayon?Bago mo ipabunot, please think about it one more time.Because according to experts, one ...
30/07/2026

Masakit ba ang ngipin mo ngayon?

Bago mo ipabunot, please think about it one more time.

Because according to experts, one natural tooth is worth at least ₱1 million.

Baka mapaisip ka:

“₱1 million para sa isang ngipin? Hindi ba OA naman?”

Pero sandali lang.

Think about everything that one tooth does for you throughout your life.

It helps you chew your food.
It helps you speak clearly.
It gives you confidence to smile.
At hinahayaan ka nitong mabuhay nang normal—without you even noticing it.

Nagtatrabaho ito tuwing breakfast, lunch, dinner, at kahit midnight snack.

Walang day off.
Walang salary.
Walang overtime pay.
At kadalasan, hindi man lang nagrereklamo.

Parang pinaka-loyal mong employee, di ba?

Pero kapag nagsimula nang sumakit ang ngipin, madalas ang una nating naiisip ay:

“Doc, bunutin na lang po natin para matapos na.”

Yes, extraction can be fast.

Kapag natanggal ang masakit na ngipin, maaaring gumaan agad ang pakiramdam mo.

Pero hindi doon nagtatapos ang story.

Because once a natural tooth is removed, it will never grow back.

May maiiwang bakanteng space.
Maaaring magbago ang paraan ng iyong pagnguya.
Puwedeng gumalaw o tumagilid ang katabing mga ngipin.
At kalaunan, baka kailanganin mong magpagawa ng denture, bridge, or dental implant.

Those treatments can help replace a missing tooth.

Pero hanggang ngayon, there is still no perfect replacement for your own natural tooth.

Kahit may pustiso, bridge, o implant, marami pa ring pasyente ang nagsasabing:

“Doc, iba pa rin pala talaga ang sariling ngipin.”

Sa clinic namin, marami na kaming nakilalang pasyenteng ilang ngipin na ang naipabunot bago sila pumunta sa amin.

At kapag nahihirapan na silang kumain, ngumiti, o magsalita nang komportable, madalas nilang sabihin:

“Sana pala nagtanong muna ako kung maaari pa itong i-save.”

“Noong masakit, gusto ko lang matapos agad. Ngayon ko na-realize kung gaano pala kahalaga ang natural tooth.”

Kaya gusto naming ipaalam ito sa mas maraming tao:

Hindi lang pasta or bunot ang choices mo.

Maraming Filipino patients ang dalawang treatment lang ang alam.

Kapag maliit pa ang cavity: pasta.

Kapag malalim na at masakit: bunot.

Pero may isang very important treatment sa pagitan ng dalawa.

Ito ang Root Canal Treatment, or RCT.

Kapag umabot na ang cavity o infection sa nerve sa loob ng ngipin, hindi ibig sabihin na bunot na agad ang only option.

Through RCT, the dentist removes the infected tissue inside the tooth, cleans and disinfects the root canals, and seals them to prevent further infection.

In many cases, this treatment can save the natural tooth and allow you to keep using it for many more years.

Sa madaling salita, instead na sabihin agad na:

“Masakit na. Bunutin na lang.”

Mas magandang itanong muna:

“Masakit na, pero maaari pa bang iligtas?”

Of course, hindi lahat ng ngipin ay maaari pang ma-save.

Kung sobrang sira na, may malaking fracture, kulang na ang matibay na tooth structure, o malala na ang damage sa surrounding bone and gums, maaaring extraction talaga ang kailangan.

That is why a proper dental examination and X-ray are important.

Pero bago ka pumayag na ipabunot ang ngipin mo, please ask your dentist:

“Doc, possible pa po bang i-save ito through Root Canal Treatment?”

Because once the tooth is removed, there is no undo button.

Ang cavity ay hindi naman biglang lumalala overnight.

Most cavities develop slowly.

Unti-unting nasisira ang ngipin.

Minsan, nagsisimula lamang ito sa maliit na sensitivity.

May pagkain na laging naiipit.
May maliit na black spot.
Masakit kapag umiinom ng malamig.
Sumasakit kapag kumakain ng matamis.
O may kaunting kirot kapag ngumunguya.

Parang tahimik na sinasabi ng ngipin mo:

“Boss, may problema na tayo.”

Pero dahil busy tayo, madalas ang sagot natin:

“Next time na lang.”

“Kapag sumahod na ako.”

“Marami pa akong ginagawa.”

“Kaya ko pa naman ang sakit.”

Hanggang sa isang gabi, ang ngipin naman ang magsasalita:

“Hindi mo ako pinansin buong araw?
Okay. Tonight, hindi rin kita patutulugin.”

At parang may sariling schedule talaga ang toothache.

Kung kailan sarado na ang clinic,
kung kailan pagod ka na,
at kung kailan gusto mo nang matulog—

doon pa siya magpaparamdam nang todo.

Pero ang totoo, hindi naman biglang nasira ang ngipin noong gabing iyon.

Matagal na itong nagbibigay ng warning signs.
Matagal na itong humihingi ng help.

Hindi lang natin napansin—o baka pinili muna nating tiisin.

We understand. Life is not easy.

Kailangan mong magtrabaho.
May pamilya kang sinusuportahan.
May rent, bills, tuition, pagkain, at maraming ibang kailangang unahin.

Minsan pagkatapos ng lunch, wala ka nang time magsipilyo dahil kailangan mong bumalik agad sa trabaho.

Pagdating naman sa bahay, sobrang pagod mo na.

Minsan, hihiga ka lang sandali habang hawak ang cellphone.

Then suddenly…

Morning na pala.

We understand that.

Hindi kailangang maging perfect ang dental routine mo every single day.

Pero may isang simpleng pakiusap kami:

Please, huwag kalimutang magsipilyo bago matulog.

Ideally, you should brush twice a day using fluoride toothpaste.

Pero kung naging sobrang busy at nakakapagod ang araw mo, protect your teeth at least once before sleeping.

Give them just two minutes.

Dalawang minuto para sa mga ngiping buong araw na nagtrabaho para sa iyo.

Because that simple habit may help you avoid:

Cavities.
Severe toothache.
Root Canal Treatment.
Extraction.
Dentures.
Bridge.
Or dental implants.

Huwag hintaying umabot sa puntong kailangan na ng RCT.

Kung maliit pa ang cavity, maaaring simple pasta lang ang kailangan.

Mas maaga itong ma-detect, mas simple, mas mabilis, at kadalasan ay mas affordable ang treatment.

Kaya please, huwag sanang pabayaan ang ngipin hanggang umabot ang infection sa nerve.

Pero kung malalim na ang cavity at kailangan na talaga ng Root Canal Treatment, huwag agad sumuko sa ngipin mo.

Huwag agad isipin na bunot na lang ang sagot.

Ask first if it can still be saved.

Sa My First Dental Care, hindi lang namin iniisip kung paano mabilis na mawawala ang pain.

We first ask:

“May paraan pa ba para mailigtas ang natural tooth na ito?”

Because sometimes, the tooth does not need to be removed.

Sometimes, it only needs the right treatment—and one more chance.

Masakit ba ang ngipin mo ngayon?

Before you choose extraction, ask these questions:

“Doc, maaari pa po bang i-save ang ngipin ko?”

“Possible pa po ba ang Root Canal Treatment?”

Always remember:

One natural tooth is worth at least ₱1 million.

Hindi lang ito tungkol sa pera.

It is the value of eating your favorite food comfortably.

The value of smiling without covering your mouth.

The confidence to speak, laugh, work, and face other people.

At ang simpleng kalayaang mabuhay nang hindi iniisip ang bawat kagat.

Madaling bunutin ang ngipin.

Pero kapag nawala na ito, doon mo lamang lubos na mararamdaman kung gaano pala ito kahalaga.

Kaya ngayong gabi, bago ka matulog:

Put your phone down for just two minutes.
Brush your teeth first.

Your phone can be charged again tomorrow.

Pero ang natural tooth mo—

walang replacement unit na kasama sa box.

Take care of it while it is still there.

And before you have it extracted, find out first if it can still be saved.

- My First Dental Care Clinic -
“Buhay pa ang pag-asa, habang buo pa ang ngipin.”
Book your consultation today.
*Monday to Sunday 10AM to 6PM
*PM/DM for appointment
*Walk-Ins are welcome!
*We accepted Credit-card, Gcash, Online Banking
*Note that: Limited po ang parking.
Mas maganda po kung mag-commute kayo o gamitin ang Joyride, Lalamove, o InDrive apps at i-set ang drop-off location sa My First Dental Care Clinic Branch. Pumunta po kayo sa pinakamalapit na branch sa inyo.

📢 Important Notice poPaalala lang po sa aming mga patients:Sa May 28, Thursday, ang lahat po ng branches ng My First Den...
27/05/2026

📢 Important Notice po

Paalala lang po sa aming mga patients:

Sa May 28, Thursday, ang lahat po ng branches ng My First Dental Care Clinic ay bukas lamang hanggang 3:00 PM.

Kasama po dito ang:
• Munoz Branch
• Batasan Branch
• Sitio Veterans Branch

Dahil po sa all-branch staff outing, closed po ang lahat ng branches sa May 29, Friday.

Magbabalik po kami sa regular clinic operations sa May 30, Saturday.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
We sincerely apologize po for the inconvenience.

My First Dental Care Clinic

“Doc… kaya pa ba ng budget ko?”Ito na po ang pinaka madalas naming naririnig ngayon.Sa totoo lang po,habang nakaupo kami...
17/04/2026

“Doc… kaya pa ba ng budget ko?”
Ito na po ang pinaka madalas naming naririnig ngayon.

Sa totoo lang po,
habang nakaupo kami sa clinic araw-araw,
hindi lang ngipin ang napapansin namin…
kundi yung mga buntong-hininga ng mga pasyente.

Siguro nararamdaman niyo rin po —
sobrang bilis na talaga ng pagtaas ng presyo ngayon.

Dati, ang iniisip ng pasyente
“paano gagamutin?”
Ngayon, mas madalas naming marinig
“Doc… kaya pa ba ng budget ko?”

Even our clinic po,
hindi rin po kami exempted sa sitwasyon na ito.
Ramdam din namin ang pressure
pagdating sa treatment costs.

Lalo na po sa root canal treatment.
Ito yung treatment na kayang magligtas ng ngipin…
pero dahil sa gastos,
marami na pong nagtatanong ngayon,
“Pwede bang bunot na lang?”

Sa totoo lang po,
medyo mabigat pakinggan yun.

Kasi minsan naiisip namin,
kung mas maaga lang sana sila dumating…
baka mas simple, mas kaya, at mas maliligtas pa.

Kaya last year po,
sinubukan naming gumawa ng paraan.

Hindi namin masyadong pinapansin o ina-advertise,
pero binawasan namin ng around ₱1,200 per canal ang burden ng RCT
para kahit papaano,
hindi agad sumusuko ang pasyente sa ngipin nila.

At kahit tahimik lang,
marami po kaming ngipin na
imbes na mabunot…
naisalba pa.

Ngayon po,
habang patuloy na nagbabago ang presyo ng lahat,
mas nagiging mahirap na rin
panatilihin yung ganitong setup.

May mga treatment na baka kailangan i-adjust
para makasabay sa realidad.

Pero kung may isa kaming gustong ipaglaban,
yun po ay
yung pagkakataon na mailigtas pa ang ngipin.

Kaya ito lang po ang gusto naming sabihin sa inyo.

Sa dental treatment,
napakalaki ng epekto ng timing.

Kung maaga — simple lang.
Kung medyo late — mas komplikado.
Kung masyadong matagal — minsan wala nang choice.

Lalo na ngayon na mabilis magbago ang presyo,
yung delay…
pwedeng maging mas malaking gastos later.

Hindi naman po kailangang sa amin kayo pumunta.
Kahit saan pong malapit sa inyo, okay lang.

Basta ang importante —
magpa-check kayo habang maaga pa.

Kasi ang ngipin po,
tahimik lang yan kapag okay pa…
pero kapag lumala na,
hindi na siya magtatanong.

Magpaparamdam na lang.

At kung maaga natin siyang narinig,
mas marami pa tayong kayang iligtas.

At sana po,
hangga’t kaya,
patuloy namin kayong matulungan doon.

- My First Dental Care Clinic -
“Buhay pa ang pag-asa, habang buo pa ang ngipin.”
Book your consultation today.
*Monday to Sunday 10AM to 6PM
*PM/DM for appointment
*Walk-Ins are welcome!
*We accepted Credit-card, Gcash, Online Banking
*Note that: Limited po ang parking.
Mas maganda po kung mag-commute kayo o gamitin ang Joyride, Lalamove, o InDrive apps at i-set ang drop-off location sa My First Dental Care Clinic Branch. Pumunta po kayo sa pinakamalapit na branch sa inyo.

HOLY WEEK CLINIC ADVISORYSa panahon po ng Holy Week, alam po namin na may ilang patients na ngayon lang nagkakaroon ng t...
30/03/2026

HOLY WEEK CLINIC ADVISORY

Sa panahon po ng Holy Week, alam po namin na may ilang patients na ngayon lang nagkakaroon ng time para magpa-check up o magpagamot ng ngipin.

Originally, plano rin po sana naming magpahinga nang mas matagal this week,
pero naisip po namin na may mga patients na dito lang talaga magkakaroon ng pagkakataon makapagpa-dentist.

Kaya po para mas makapag-serve pa rin kami sa mga nangangailangan,
open po ang clinic namin from March 30 (Monday) to April 5 (Sunday), 10:00 AM to 6:00 PM,
except lamang po sa Friday, April 3, na siya lang po ang closed day namin this Holy Week.

Clinic Schedule
March 30 (Mon) – OPEN
March 31 (Tue) – OPEN
April 1 (Wed) – OPEN
April 2 (Thu) – OPEN
April 3 (Fri) – CLOSED
April 4 (Sat) – OPEN
April 5 (Sun) – OPEN
Clinic Hours

10:00 AM – 6:00 PM

Kung may dental concern po kayo this Holy Week,
message lang po kayo sa amin.
We’ll be happy to assist you. 🤍

My First Dental Care Dental Clinic

I-save ninyo ang post na ito.At kapag kahit kaunting kirot o sensitivity ang maramdaman ninyo sa ngipin,balikan ninyo at...
20/03/2026

I-save ninyo ang post na ito.
At kapag kahit kaunting kirot o sensitivity ang maramdaman ninyo sa ngipin,
balikan ninyo at basahin muli.

Sa loob ng halos 10 oras bawat araw,
ang dentista ay nakatutok sa loob ng bibig ng pasyente.

Isang maliit na ngipin, isang maliit na bitak,
kahit ang napakaliit na pagbabago na halos hindi na nakikita,
sinisikap naming mapansin.

Dahil ang ginagawa namin ay hindi lang basta “pag-aayos” ng ngipin,
kundi ang pagliligtas ng natural na ngipin hangga’t maaari.

Ngunit sa araw-araw na gamutan,
may mga sandaling mabigat sa puso.

Yung mga pagkakataon na
kung sana mas maaga lang dumating ang pasyente,
may pag-asa pa sanang mailigtas ang ngipin—
pero sa huli, kailangan na itong bunutin.

Bilang dentista,
ito ang isa sa mga pinaka nakakalungkot na sitwasyon.

Kung sana mas maaga lang,
kung sana hindi na ito ipinagpaliban,
naiwasan sana ang mas komplikadong gamutan,
mas malaking gastos,
at mas matinding sakit.

Pero sa harap ng pasyente,
hindi namin inuuna ang panghihinayang.

Mas iniisip namin kung gaano katagal nilang tiniis ang sakit.
Kung gaano kahirap ang bawat araw.
Kung gaano sila ka-busy kaya umabot sa ganitong punto.

Ang totoo,
kapag maaga pa lang natuklasan ang cavity,
simple lang ang gamutan.
At mas mababa ang gastos.

Ang maliit na sira sa ngipin
puwedeng matapos sa simpleng pasta.
Pero kapag pinabayaan,
umaabot ito sa root canal treatment (RCT),
at kadalasan, kailangan pa ng crown.

Kung ikukumpara,
ang gastos ay maaaring lumaki ng higit 10 beses.

Kaya paulit-ulit naming sinasabi:

Hindi maliit ang halaga ng isang ngipin.

Madalas naming ipaalala:

Ang isang ngipin ay may halagang hindi bababa sa 1,000,000 pesos.

Kung may sasakyan kang nagkakahalaga ng 1,000,000 pesos,
papabayaan mo ba ito kapag may sira?

Kung may designer bag kang ganoon ang halaga,
hahayaan mo ba itong masira nang tuluyan?

Malamang hindi.

Pero ang kakaiba,
ang ngipin na habang-buhay mong gagamitin,
kahit may kirot na, kahit may sensitivity na,
kahit may konting sakit na,
madalas pa ring ipinagpapaliban.

“Tiisin ko muna.”
“Baka mawala rin.”

Pero ang totoo,
kapag nagsimula nang lumala ang sira sa ngipin,
hindi na ito basta-basta maibabalik sa dati.

At tandaan—
ang dentista ay tao rin.

Hindi madaling iligtas ang ngipin
kapag huli na ang lahat.

Sa loob ng maliit na bibig,
papasok kami sa mas maliit na ngipin,
at sa loob nito,
hahanapin ang mas maliit pa at mas pinong ugat—
aalisin ang impeksyon,
lilinisin,
didiin ang bawat galaw,
at isasara ito nang maayos.

Ito ay isang prosesong
kahit gaano kaingat gawin,
nakakapagod pa rin nang sobra.

Kaya kadalasan,
2 hanggang 3 RCT cases lang sa isang araw
ay sapat na para sumakit ang ulo dahil sa sobrang focus.

Pero kapag maaga dumating ang pasyente,
iba ang pakiramdam.

Mas simple ang gamutan,
mas magaan sa pasyente,
mas mababa ang gastos,
at bilang dentista,
uuwi kami na may pakiramdam na—
“buti na lang, hindi pa huli ang lahat.”

Dahil ang totoo,
ang cavity ay hindi humihinto.

Ito ay dulot ng bacteria,
at habang pinababayaan,
lalo itong lumalala
at naaapektuhan ang ibang ngipin.

At higit pa doon—
hindi lang ito tungkol sa iyo.

Ang bacteria na nagdudulot ng cavity
ay maaaring mailipat sa mga taong mahal mo
sa pamamagitan ng simpleng pang-araw-araw na gawain.

Paggamit ng iisang kutsara o baso,
pagbabahagi ng pagkain,
pag-hipan ng pagkain para sa bata,
o kahit sa simpleng lapit at pakikisalamuha—
unti-unti itong naipapasa.

Ang cavity na ipinagpapaliban mo ngayon
ay maaaring maging cavity ng anak mo bukas.
Ang sakit na tinitiis mo ngayon
ay maaaring maranasan ng pamilya mo sa susunod.

(Ayon sa American Academy of Pediatric Dentistry at CDC)

Kaya ang pagpapagamot ng ngipin
ay hindi lang para sa sarili mo—
ito ay para rin sa mga taong mahal mo.

Kaya muli naming sinasabi:

Huwag mong tiisin.
Huwag mong ipagpaliban.

Magpatingin ka na sa pinakamalapit na dental clinic.

Hindi kailangang sa amin.
Ang mahalaga ay
hindi ka na lalong mahuli pa.

Kung may ngipin pang puwedeng iligtas,
iligtas natin habang may pagkakataon pa.

At huwag nang hayaang
ang sakit, hirap sa pagkain,
at puyat dahil sa ngipin
ay tumagal pa.

Tandaan mo:

Ang isang ngipin ay may halagang hindi bababa sa 1,000,000 pesos.

At ang tunay na halaga nito
ay hindi lang nasusukat sa pera.

Kung sakaling may maramdaman na kayong discomfort,
huwag na po ninyong ipagpaliban.
Kahit sa pinakamalapit na dental clinic,
magpa-check up na po kayo habang maaga pa.

Kung handa na kayo, nandito lang kami para tumulong.

- My First Dental Care Clinic -
“Buhay pa ang pag-asa, habang buo pa ang ngipin.”
Book your consultation today.
*Monday to Sunday 10AM to 6PM
*PM/DM for appointment
*Walk-Ins are welcome!
*Note that: Limited po ang parking.
Mas maganda po kung mag-commute kayo o gamitin ang Joyride, Lalamove, o InDrive apps at i-set ang drop-off location sa My First Dental Care Clinic Branch. Pumunta po kayo sa pinakamalapit na branch sa inyo.

Noong Valentine’s Day, may mga couple na nag-level up.“Official na tayo.”“One bite lang.”“Kiss muna.”Habang mas lumalali...
26/02/2026

Noong Valentine’s Day, may mga couple na nag-level up.

“Official na tayo.”
“One bite lang.”
“Kiss muna.”

Habang mas lumalalim ang love, mas nagiging malapit ang distance.

Sweet ang February.

Pero may isang tahimik na katotohanan na hindi natin masyadong napag-uusapan.

Ang cavity bacteria walang feelings.

Hindi sila romantic.
Hindi sila dramatic.
Hindi sila biglang lumalabas sa hangin.

Kadalasan, nanggagaling sila sa mouth ng taong may active decay.

Kung sa isang couple may isa na may active cavity bacteria, possible itong maipasa through close contact like kissing or sharing utensils.

Love is emotional.
Bacteria is biological.

Ang mas interesting pa, hindi rin ito agad mararamdaman.

Very patient ang cavity. Tahimik lang siya for months.

Kaya may mga moment na mapapaisip ka:
“Bakit parang sensitive?”
“Bakit parang nangingitim?”

Hindi ito biglaan.

Minsan, nagsimula pa noong mga panahong pinaka-sweet kayo.

Cavity is not dramatic. Strategic siya.

As a dentist, minsan napapangiti ako.

Kapag may cavity ang isang tao, ibig sabihin may taong malapit sa kanya.

Strong ang bonding ninyo… pero pati bacteria nadamay.

Ang love, okay lang i-share.
Ang bacteria, optional.

The good news? The solution is simpler than you think.

Magpa-dental cleaning.
Magpa-fluoride treatment.

Kapag maaga nadetect, mas simple ang treatment, mas affordable, at mas relaxed ang proseso.

At kung may isa na may cavity na, the most practical gift you can give your partner is to treat it early.

Mas romantic ang healthy mouth kaysa sa surprise toothache sa gitna ng date.

Hindi lang ito para sa couples.

Sa family setting, dahil close tayo, normal ang sharing ng food, kutsara, baso.

Kung may active cavity bacteria ang isa, possible na mag-circulate ito.

Hindi ito paninisi. Ibig sabihin lang, close ang pamilya.

Pero ngayon, mas maganda kung sabay-sabay magpa-check para putulin ang bacteria cycle.

Even pets are not exempt.

May mga pagkakataon na pati dogs sa bahay nagkakaroon ng dental problems.

Hindi ito coincidence. It’s about environment and shared space.

Kapag healthy ang oral environment ng household, mas protected ang lahat.

Kung hinintay mong sumakit muna bago magpa-check, medyo mali iyon, pero naiintindihan.

Busy sa work.
Busy sa love.
Busy sa family.

As a dentist, nakakatuwang makita ang strong relationships.

Nakakalungkot lang kung ang cavity ang nagiging souvenir ng Valentine’s.

Let the bond stay.
Let the bacteria go.

Magpa-check kayong sabay.
Magpa-treat kung kailangan.
Magpa-cleaning regularly.

Love can continue — pero this time, walang toothache, walang panic, walang biglang gastos.

Love deeply.
Just don’t let bacteria join the relationship.

��- My First Dental Care Clinic -

“Buhay pa ang pag-asa, habang buo pa ang ngipin.”

Book your consultation today.

*Monday to Sunday 10AM to 6PM
*PM/DM for appointment
*Walk-Ins are welcome!
*We accepted Credit-card, Gcash, Online Banking
*Note that: Limited po ang parking.
Mas maganda po kung mag-commute kayo o gamitin ang Joyride, Lalamove, o InDrive apps at i-set ang drop-off location sa My First Dental Care Clinic Branch. Pumunta po kayo sa pinakamalapit na branch sa inyo.

“Doc, may cavity na naman po…”Sa dental clinic,maraming araw na ganito nagsisimula.“Doc, okay naman po yung dati niyong ...
22/01/2026

“Doc, may cavity na naman po…”

Sa dental clinic,
maraming araw na ganito nagsisimula.

“Doc, okay naman po yung dati niyong ginamot,
pero yung katabing ngipin naman po ang sumasakit ngayon.”
“Binawasan ko na po ang matatamis, pero may cavity pa rin.”
“Bakit po parang palagi na lang akong may cavity?”

Ang nakakatuwa rito,
hindi naman po tamad ang mga pasyenteng ito.
Nagto-toothbrush sila, gumagamit ng floss,
minsan nga black coffee pa ang iniinom.

Pero kahit gano’n,
bumabalik pa rin sila sa clinic—
once, then again, then again.

Dito na po nagsisimulang pumasok sa isip nila:

“Mahina siguro talaga ang ngipin ko.”
“Baka nasa katawan ko na ‘to.”
“Siguro habambuhay na akong pabalik-balik sa dentista.”

At bilang dentista,
dito po kami humihinga muna nang malalim.

Dahil ang totoo po,
habang dumarami ang “regular” sa dental clinic,
mas nagiging kumplikado rin ang pakiramdam ng dentista.

Masaya po kaming makatulong,
pero mas gugustuhin naming hindi kayo bumabalik
dahil may bagong masakit.

Ang cavity ay hindi sakit na ikaw ang gumawa

Kadalasan, ganito po ang iniisip ng mga tao:

“Dahil sa matatamis kaya nagka-cavity.”

Half true, half not.

Ang matatamis ay pagkain lamang ng bacteria.
Ang tunay na dahilan ay ang cavity-causing bacteria mismo.

At ang bacteria na ito
hindi po kusang nabubuo sa loob ng katawan.

Kadalasan, galing po ito sa labas.

Mula sa magulang noong bata pa,
mula sa partner,
mula sa simpleng pagsalo ng kutsara, baso, o pagkain—
tahimik itong napapasa at pumapasok sa bibig.

Kapag naroon na ang bacteria,
at medyo naging relaxed ang oral hygiene,
at naging favorable ang environment sa bibig,
doon po sila nagsisimulang dumami.

Kaya kahit nagpagamot na, may bagong cavity pa rin

May isang mahalagang punto dito.

Maraming pasyente na
isang ngipin lang ang ginagamot sa isang beses.

Isang masakit na ngipin,
isang sirang ngipin,
isang may problema sa nerve.

Pagkatapos, sasabihin nila:

“Okay na po ‘yan, ‘di ba?”

Pero kung
ang cavity bacteria ay nasa buong bibig pa rin,
para po itong pagputol ng damo
nang hindi tinatanggal ang ugat.

Paglipas ng panahon,
hindi po yung ginamot na ngipin ang sisira,
kundi ibang ngipin naman.

At dito po nagsisimula ang pakiramdam na
“palaging may sira” at
“palaging kailangang bumalik sa dentista.”

Paano tuluyang makawala sa paulit-ulit na cavity

Kaya ito po ang maingat naming ipinapayo sa pasyente.

Ang goal ay simple lang:

“Huwag nang maubos ang oras at lakas ng buhay dahil sa cavity.”

Ayusin lahat ng existing cavities
Kung hindi pa masakit, restoration (pasta).
Kung masakit na, Root Canal Treatment para mailigtas ang ngipin.

Buong bibig na cleaning
Hindi lang ang nakikitang dumi,
kundi pati ang environment na tinitirhan ng bacteria.

Fluoride protection
Para mas mahirapan ang bacteria na bumalik.

Toothbrush dalawang beses sa isang araw
After breakfast,
at bago matulog sa gabi.
Hindi po ito “kung kailan lang maalala,”
kundi isang mahalagang bahagi ng pag-aalaga sa sarili.

Kapag nasunod ito,
sa karamihan ng kaso,
hindi na po nakakahanap ng lugar ang cavity bacteria para dumami.

At pagkatapos nito, may maririnig kaming ganito

“Doc, hindi na po ako madalas bumabalik sa clinic.”

Sa totoo lang po,
para sa clinic, mas kaunti itong visit.

Pero para sa dentista,
ito po ang pinakamagandang balita.

Dahil ang dental clinic
ay hindi dapat nabubuhay dahil may sakit ang tao,
kundi dahil tinulungan silang hindi na magkasakit.

Huling mensahe

Kung nababasa mo ito ngayon,
sana po ay tandaan ninyo ito:

Magpunta po kayo sa dentista.

Hindi kailangang sa amin.
Hindi kailangang sa sikat.
Kahit sa pinakamalapit lang sa bahay ninyo.

Ang mahalaga ay magsimula.

Bago may panibagong ngipin na masira,
bago muling makaranas ng sakit,
gawin nating taon ang 2026
na tahimik at payapa ang loob ng bibig.

- My First Dental Care Clinic -
“Buhay pa ang pag-asa, habang buo pa ang ngipin.”
Book your consultation today.
*Monday to Sunday 10AM to 6PM
*PM/DM for appointment
*Walk-Ins are welcome!
*We accepted Credit-card, Gcash, Online Banking
*Note that: Limited po ang parking.
Mas maganda po kung mag-commute kayo o gamitin ang Joyride, Lalamove, o InDrive apps at i-set ang drop-off location sa My First Dental Care Clinic Branch. Pumunta po kayo sa pinakamalapit na branch sa inyo.

Holiday Advisory | My First Dental Care ClinicHello po! Please be advised that My First Dental Care Clinic – Muñoz, Bata...
23/12/2025

Holiday Advisory | My First Dental Care Clinic

Hello po!
Please be advised that My First Dental Care Clinic – Muñoz, Batasan, and Veterans branches will be CLOSED on the following dates due to holidays:

- December 24 (Wednesday)
- December 25 (Thursday)
- December 31 (Wednesday)
- January 1, 2026 (Thursday)

🦷 Clinic operations will RESUME on December 26 (Friday), January 2 (Friday) Normal clinic hours(10AM to 6PM) po ulit.

Thank you for your understanding po.
We wish everyone a Merry Christmas and a Happy New Year! 🎄✨

Address

2nd Floor, Oriole, Veterans
Quezon City
1100

Opening Hours

Monday 10am - 6pm
Tuesday 10am - 6pm
Wednesday 10am - 6pm
Thursday 10am - 6pm
Friday 9am - 8pm
Saturday 9am - 8pm
Sunday 9am - 8pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when My First Dental Care Clinic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share