17/05/2020
SA AMING MGA PASYENTE:
Sa kasalukuyan po ay nagsasagawa po kami ng mga “modifications” sa aming clinica
May mga pagbabago po kaming ipapatupad na PROTOCOLS para mapanatiling ligtas ang aming clinic at makapagbigay ng serbisyong ligtas para sa aming mga pasyente.
Ang mga guidelines na inyong mababasa ay Striktong Ipapatupad para maiwasan ang pagkalat ng virus sa dental clinic at mapanatilig ligtas sa lahat,pakibasa po ng maayus ang mga sumusunod na mga guidelines:
1. STRICTLY BY APPOINTMENT po lahat ng pasyente, ito ay para maiwasan ang pagkakasabay-sabay ng mga tao sa loob ng dental clinic, maisagawa ang physical distancing at makapag bigay oras para sa paglilinis (DISINFECTION) ng dental clinic pagkatapos ng bawat pasyente. Hindi po muna kami tatanggap ng mga walk in na pasyente maliban kung ito ay EMERGENCY CASE (mga naaksidente o may hindi maampat na pagdudugo.)
2. Sa mga pasyenteng pupunta ay inaabisuhan po namin na WAG MAG SASAMA NG KASAMA maliban kung ang pasyente ay BATA OR SENIOR CITIZEN na lilimitahan lang namin sa 1 KASAMA bawat pasyente. Ito ay alinsunod sa batas na pinatutupad na NEW NORMAL. Ang pasyente lang ang pahihintulutang pumasok sa loob ng “dental operatory”
3. BAGO MABIGYAN NG APPOINTMENT ay dadaan po kayo sa online screening (telepono or sa facebook messenger) kung saan ay may mga tanong na kaylangan nyong sagutan. Kinakailangang maging tapat sa mga isasagot ninyo upang maiwasan ang magkaroon ng problema sa pagtatago ng tunay na kondisyon.
4. NO MASK NO ENTRY, ito ay alinsunod parin sa batas na ipinatutupad ngayung NEW NORMAL, Sa pag dating ng pasyente sa clinic, bago pumasok sa loob ay tatapak sa disinfectant mat, kukuhanan ng body temperature, at ididisinfect ang mga kamay Pag katapos magsulat at pumirma sa mga chart ay ididisinfect ulit ang mga kamay ng pasyente bago simulan ang dental treatment. Pag pasok ng operatory ng dental clinic sa pag upo sa dental chair ay tsaka pa lamang pwede tanggalin ang mask.
Antabayanan ang muling anunsyo hinggil sa muling pagbubukas ng aming clinika sa lalong madaling panahon. Maraming salamat po.
CTTO