25/04/2020
“Sa mga pasyente,
Huwag sana po kayo magugulat, pero kailangan na natin tanggapin, iba na ang mga rates ng dental fees when we resume private dental clinic after lockdown. 😞
Double, triple, quadruple na presyo ngayon ng mga materials, consumables , disposables, facemask, gloves, PPE's, at iba't ibang kailangan sa ating pag gagamutan para na rin sa kaligtasan natin pare-pareho...Kaligtasan mo, (kaligtasan ng assistant) at Kaligtasan ko..kailangan po nating sumunod sa protocol na itinakda para sa ating kalusugan.
Biglang nag iba na ang ating mundo sa Dental at Medical na antas, hindi kasalanan ng inyong Dentista, walang may kasalanan kungdi ang sadyang pagtaas ng lahat ng bilihin...
Magiging "by appointment" na lamang ang klinika, tatawag muna o magtetext para sa "history screening" ng mga pasyente bago kayo papuntahin.
Limitado na ang pasyenteng tatanggapin sa maghapon upang mgkaroon ng sapat na oras sa mabusising "disinfection" at "sterilization" .
Hindi po muna tatanggap ng "walk-ins". Mag tetext muna upang mabigyan kayo ng schedule or appointment. Kaya ang bilin lagi sa inyo, Noon, Ngayon, Bukas at Magpakailanman.....
"MAGSIPILYO KAHIT NASA QUARANTINE".
Hanggang sa muli nating pagkikita kita.. SMILE!!!”