03/08/2026
Sa akin pong mga pasyente sa Paete:
Bagama’t taglay ang kalungkutan sa pagkawala ng aking Father- in-law na nasa Biñan City.
Gagawin ko pa rin po ang aking tungkulin kahit magpapabalik balik na lamang ako ng Paete at Biñan.
Tuloy po ang mission ko sa RHU Center ngayong umaga hanggang tanghali, araw ng Martes. First 20 patients only.
Bukas po , Miyerkules,ako ay babalik muli ng Paete para sa maghapong schedules sa aking private clinic sa Brgy. Ibaba.
Sa araw ng Hwebes, half day po para sa mga pasyente ko sa RHU Center. Para sa 20 pasyente lamang.
Wala lamang po ako sa araw ng Biyernes at Sabado bilang paghahanda sa libing ng aking biyenan.
Maraming Salamat po…
~DOC ROY
Ang Dentista ng Bayang Paete.