23/05/2026
doc anong Age ba dapat bunutan ng Ngipin ang bata? bakit ayaw bunutan ng Dentist anak kong 3 years old?
Ang aim natin talaga kusang matangal ang mga Milk Tooth at mapalitan ng Permanent Tooth. So madalas 6 years old mag start tumubo mga Ngipin ng Bata kaya duon tayo madalas mag depend kung need ng extract Ngipin lalo na kapag mag cause ito ng Crowding or may infection na.
Ang reason bakit ayaw natin ang Premature loss or maagang pagbunot ng Ngipin is Una need ng bata ang mga Ngipin sa Pagkain at pagsasalita. Ikalawa kailangan ang mga Ngipin para sa Tamang Paglaki ng Jaw. At ikatlo kapag maagang nabunutan ng Ngipin ang bata hindi nman ito maagang tutubuan ng kapalit na Ngipin so yung Space maaaring masira or lumiit at kpag tumubo yung Permanent Tooth dina kasya at yun ang nagiging dahilan ng Crowding of Tooth.
Kaya ang Pagbunot sa Ngipin ng Bata dapat nasa tamang Timing or nasa tamang Edad.
Kaya alagaan nating mabuti ang mga Ngipin ng mga Bata para di ito agad masira or di agad mabunot.
👍♥️😊