23/05/2026
‼️
🦷🚨 Nabunot o natanggal ang permanent tooth dahil sa aksidente? MAY PAG-ASA PA MASAVE ITO!
Kapag ang permanent tooth ay tuluyang natanggal dahil sa trauma o aksidente 😢
➡️ EMERGENCY ito!
⚠️ Ang mabilis at tamang first aid ay malaking tulong para maibalik ng dentista ang ngipin (tooth replantation).
⸻
💡 Ano ang dapat gawin?
✅ Hanapin agad ang ngipin
➡️ Hawakan LANG sa crown (puting parte)
❌ Huwag hawakan ang ugat/root
✅ Kung marumi, banlawan nang mabilis
➡️ Gamit ang malamig na tubig o sterile saline
❌ Huwag kuskusin o sabon-an
✅ Subukang ibalik sa socket kung kaya
➡️ Dahan-dahang ipasok pabalik sa pwesto
➡️ Pakagatin sa malinis na gauze o tela
❌ Kung hindi kaya ibalik:
👉 Ilagay agad ang ngipin sa:
🥛 Gatas (best option)
💧 Saline solution
😮💨 O sa loob ng bibig/tabi ng pisngi kung conscious ang patient
⚠️ HUWAG ilagay sa tissue o hayaang matuyo!
⸻
⏰ TIME IS CRITICAL!
🕐 Pinakamataas ang chance na masave ang ngipin kapag naibalik sa loob ng:
➡️ 30 minutes to 1 hour
⸻
🚑 Pumunta agad sa dentista o emergency clinic
Maaaring gawin ng dentista ang:
✔️ Replantation
✔️ Splinting/stabilization
✔️ Monitoring ng healing
✔️ Root canal treatment kung kailangan
⸻
😁 Ang mabilis na aksyon ay pwedeng makasave ng permanent tooth habang buhay!
⸻