Lupong Tagapamayapa ng Barangay Ibabang Atingay

Lupong Tagapamayapa ng Barangay Ibabang Atingay Official Page

27/01/2026

πŸ’‘ πˆππ€ 𝐀𝐍𝐆 πŒπ€π˜ π€π‹π€πŒ | πŠπ€π“π€π‘π”ππ†π€ππ† ππ€πŒππ€π‘π€ππ†π€π˜

Ang barangay ang nagsisilbing unang takbuhan sa pag-aayos ng ilang uri ng alitan sa komunidad. Alinsunod sa batas, may itinatag na proseso upang bigyang-daan ang mapayapa at maayos na pagkakasundo ng mga panig. Ang prosesong ito ay isinasagawa sa ilalim ng Katarungang Pambarangay, na nakapaloob sa Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code of 1991.

𝟏. ππ€π†π’π€πŒππ€ 𝐍𝐆 π‘π„πŠπ‹π€πŒπŽ. Ang sinumang may reklamo laban sa kapwa niya indibidwal, kung sakop ng Katarungang Pambarangay, ay maaaring maghain ng reklamoβ€”pasalita o pasulatβ€”sa Punong Barangay, bilang Tagapangulo ng Lupon ng Tagapamayapa.

𝟐. 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐖𝐀𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ„πƒπˆπ€π“πˆπŽπ. Sa loob ng susunod na araw ng trabaho mula nang matanggap ang reklamo, ipapatawag ng Punong Barangay ang nagrereklamo at inirereklamo, kasama ang kanilang mga saksi, para sa pagkakasundo o mediation.

πŸ‘. 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐓𝐀𝐆 𝐍𝐆 ππ€ππ†πŠπ€π“. Kung hindi magtagumpay ang pagkakasundo sa loob ng 15 araw mula sa unang pagharap ng mga panig, magtatakda ang Punong Barangay ng petsa para sa pagbuo ng Pangkat ng Tagapagsundo.

πŸ’. ππ€π†πƒπˆππˆπ† 𝐍𝐆 ππ€ππ†πŠπ€π“ 𝐍𝐆 π“π€π†π€ππ€π†π’π”ππƒπŽ. Ang Pangkat ay magpupulong sa loob ng 3 araw mula sa pagkakabuo nito upang pakinggan ang magkabilang panig at ang kanilang mga saksi, at hanapan ng paraan ang maayos na pagkakasundo.

πŸ“. ππ€ππ€π‡πŽπ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 ππ€π†πŠπ€πŠπ€π’π”ππƒπŽ. Binibigyan ang Pangkat ng 15 araw mula sa unang pagdinig upang magkasundo ang magkabilang panig. Kung kinakailangan, maaari itong dagdagan ng hanggang 15 araw kung may sapat na dahilan upang pahabain ang pagdinig.

πŸ”. π€πŒπˆπ‚π€ππ‹π„ π’π„π“π“π‹π„πŒπ„ππ“. Ang lahat ng amicable settlement ay dapat nakasulat, gamit ang wikang nauunawaan ng mga panig, nilagdaan ng mga ito, at pinagtibay ng Punong Barangay o ng Tagapangulo ng Pangkat ng Tagapagsundo, kung alin ang naaangkop.

Sama-sama nating itataguyod ang mapayapang pag-aayos ng alitan sa barangay, bilang hakbang tungo sa mas matatag at nagkakaisang komunidad.


16/09/2025
fyi
16/09/2025

fyi

Address

Magdalena

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lupong Tagapamayapa ng Barangay Ibabang Atingay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share