24/02/2026
Ang Root Canal Treatment ay isang proseso na ginagawa o inirerekomenda ng iyong Dentista kung saan ang ngipin ay matagal nang may bulok, nakaranas ng matinding sakit , may malalim na sira na hindi na kayang pastahan at kung minsan ay may βgum boilβ o parang pimple sa ibabaw ng gilagid.
Ang root canal treatment ay hindi nakakatakot kagaya ng sinasabi ng iba, maaring sa iba ay masakit kapag ang ngipin ay βvitalβ pa, kung kaya nilalagyan ito ng anesthesia bago simulan, at sa iba naman ay βnecroticβ patay na ang nerve/ugat kaya wala ng sakit.
Ang root canal treatment ay mabisang alternatibo upang hindi mabunot ang iyong ngipin at inaalis nito ang impeksyon na pwdeng kumalat at makahawa sa ibang ngipin. Ito rin ay cost-effective -matipid sa gastos dahil hindi na kailangan bunutin ang ngipin at palitan ng fixed bridge o pustiso.
Paalala lamang, may mga cases na contraindicated/ hindi na rin kayang isalba ng root canal treatment. Halimbawa, malakas ang pag uga, alam ng iyong dentista na magiging mababa ang success rate, o inaccesible na ang canals kung kayat kailangan kumunsulta muna sa iyong dentista.