28/04/2026
❌❌ Huwag kang magpapa-braces kung:
𝟭. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮 𝗿𝗲𝗮𝗱𝘆 𝘀𝗮 𝗳𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗿𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗶𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆.
Hindi porket may pang downpayment ka, okay na—may iba pang expenses kapag naka-braces ka. Kailangan mo ng pambayad for monthly adjustments, restorations, extractions, appliance, lost brackets at iba pang kailangan sa case mo.
𝟮. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮 𝗺𝗮𝗴𝘀-𝘀𝘁𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗰𝗶𝘁𝘆 / 𝗽𝗹𝗮𝗰𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝗮 𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗺𝗲.
Dahil ang braces, kailangan ng regular monthly adjustment. Kung palipat-lipat ka ng lugar, mahihirapan kang ma-follow up ang treatment mo nang consistent. Ending, parehas lang kayo maha-hassle ng dentista mo.
𝟯. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮 𝗿𝗲𝗮𝗱𝘆 𝗺𝗮𝗴-𝗰𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝟭–𝟯 𝘆𝗲𝗮𝗿𝘀 𝗻𝗮 𝘁𝗿𝗲𝗮𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁.
Tooth movement is slow and gradual. Hindi ito mabilisang fix. Kung naghahanap ka agad ng improvement o results in the first 3 months, iba ang procedure na para sa'yo.
𝟰. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮 𝗱𝗶𝘀𝗶𝗽𝗹𝗶𝗻𝗮𝗱𝗼 𝘀𝗮 𝗼𝗿𝗮𝗹 𝗵𝘆𝗴𝗶𝗲𝗻𝗲.
Food particles na nasstuck sa wires/brackets can cause cavities and bacterial growth in the long run. Kapag tamad ka mag-toothbrush or floss, mabubulok lang ang ngipin mo.
𝟱. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮 𝗽𝗿𝗲𝗽𝗮𝗿𝗲𝗱 𝘀𝗮 𝗱𝗶𝘀𝗰𝗼𝗺𝗳𝗼𝗿𝘁 𝗮𝘁 𝗮𝗱𝗷𝘂𝘀𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁𝘀
Normal na sasakit after braces installation dahil gagalaw ang mga ngipin mo. Ganito rin every monthly adjustment, pero kailangan mo itong kayanin consistently.
⚠️ At eto ang mas importante: 𝙆𝙖𝙥𝙖𝙜 𝙃𝙄𝙉𝘿𝙄 𝙣𝙖-𝙢𝙖𝙞𝙣𝙩𝙖𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙧𝙖𝙘𝙚𝙨 𝙥𝙧𝙤𝙥𝙚𝙧𝙡𝙮, 𝙞𝙩𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙤𝙨𝙨𝙞𝙗𝙡𝙚 𝙚𝙛𝙛𝙚𝙘𝙩𝙨:
❌ 1. Tooth decay (bulok na ngipin)
Dahil naiipon ang pagkain sa brackets, mabilis mag-build up ang plaque kapag hindi malinis nang maayos. Mabubulok ang ngipin kapag napabayaan that may lead to infections, or worse, extractions.
❌ 2. Permanent white spots o stains sa teeth
Ito yung “mark” na natitira kahit natanggal na ang braces—hindi na fully nawawala.
❌ 3. Bad breath (chronic halitosis)
Dahil sa trapped food particles at bacteria sa paligid ng braces, pwede palaging mabaho ang hininga mo.
❌ 4. Delayed or worse treatment results
Imbes na maayos ang alignment, puwedeng humaba pa ang treatment time o hindi maging optimal ang outcome.
𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝗼𝗿𝗸𝗲𝘁 𝗗𝗲𝗻𝘁𝗶𝘀𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗻𝗮𝗴𝗸𝗮𝗯𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗯𝗿𝗮𝗰𝗲𝘀 𝗺𝗼, 𝘀𝗲𝘁 𝗸𝗮 𝗻𝗮 𝗳𝗼𝗿 𝗹𝗶𝗳𝗲. ❌
Tandaan: Once a month lang kayo nagkikita ng dentista mo. The other 30 days? Ikaw ang responsable sa pangangalaga ng braces mo. Iwasang matanggalan ng brackets at i-maintain ang proper hygiene.
Sobrang mahal ng investment mo sa braces, sulitin mo na! 💎