25/08/2026
"Pwede ko na ba dalhin ang anak ko sa dentista?"
Kadalasan na napapansin namin sa aming clinic ay dinadala lamang ang mga bata pag sila ay unang beses magpapabunot. Sa totoo lang, ito ay hindi ideal dahil sakit agad ang una nilang mararanasan sa dentista na may kaakibat na ring pag-iisip na sakit lamang ang dala ng dentista.
Ang nirerekomenda namin ay dalhin muna sila upang magpalinis at ipakilala sa dentista.
Ang sagot sa tanong sa taas ay pwede ninyong dalhin ang inyong anak pagkarating ng kanyang kauna-unahang baby teeth! Maliban ay para mabuild ang magandang relationship sa dentista ay para rin maabisuhan ang mga bagong magulang tungkol sa mga iiwasan at tamang pag-alaga sa ngipin ni baby.
Simulan ang magandang Oral Health ng maaga sa ating mga anak ๐ Bukas ang aming messenger sa mga tanong at pagpapabook ng schedule!