18/06/2026
“Doc, sobrang sakit ng ngipin at namamaga na ang face ko, 𝙗𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙣𝙖 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙣𝙪𝙩𝙞𝙣 𝙠𝙖𝙖𝙜𝙖𝙙 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙣𝙖?”
Honestly, we understand the frustration. 🥲
Kapag masakit na ang ngipin at gusto mo na lang matapos ang problema, parang ang pinaka-logical na solution is ipabunot agad. 𝗣𝗲𝗿𝗼 𝗺𝗮𝘆 𝗺𝗴𝗮 𝗰𝗮𝘀𝗲𝘀 𝗻𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮𝗮𝗴𝗮𝗱 𝗯𝘂𝗻𝗼𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗳𝗲𝘀𝘁 𝗼𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝘁𝗵𝗮𝘁 𝗺𝗼𝗺𝗲𝗻𝘁. 💯
Kapag may malaking infection at pamamaga, hindi lang kasi yung ngipin ang concern. Pwede ring maapektuhan ang surrounding tissues sa paligid nito. In some situations, the local anesthetic may not work as effectively in heavily infected areas, which can make the procedure more uncomfortable for the patient. 𝗦𝗼𝗯𝗿𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗻𝘆𝗮𝗻 𝗵𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗻𝘂𝗯𝘂𝗻𝘂𝘁𝗮𝗻! 🥶
May pagkakataon din na ang swelling mismo ay sign na kailangan munang ma-manage ang infection bago gawin ang extraction para safe. Kaya minsan, nireresetahan muna ng mga gamot at binibigyan ng ilang araw para humupa ang infection bago ituloy ang bunot. 👍
Hindi ito para ma-delay ang treatment. In many cases, it’s actually part of the treatment plan to help make the procedure safer, more predictable, and more comfortable for the patient.
‼️ Pero take note: Once humupa na ang sakit at pamamaga after you take medications, hindi ibig sabihin non ay okay ka na. Kailangan pa ring maipa-root canal treatment or bunot ang ngipin, or else, 𝙪𝙪𝙡𝙞𝙩 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙙 𝙨𝙬𝙚𝙡𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙣𝙖-𝙖𝙙𝙙𝙧𝙚𝙨𝙨 𝙖𝙣𝙜 𝙘𝙖𝙪𝙨𝙚. ‼️
Every case is different, kaya mahalaga pa rin ang proper clinical examination at X-rays bago mag-decide ng next step.
Ikaw, naka-experience ka na ba ng dental pain na gusto mo nang ipabunot agad dahil hindi ka na makatulog? 😅