03/08/2026
PAALALA: Maging disente sa pagkomento.
SA HALIP NA INSTANT KILLER SMILE, BULOK AT LAGAS NA NGIPIN ANG SINAPIT NG ILAN DAHIL SA… BAGSAK-PRESYONG DIY VENEERS!
“Nakikisalamuha ako sa mga tao kaya gusto ko talagang matakpan ‘yung dalawang ipin ko na sira.
Sa kagustuhan kong gumanda ‘yung ipin ko, hindi ko alam, malaking perwisyo po pala ‘yung kapalit.
Nagpasabay ako bumili ng DIY veneers noon.
Nilagay ng mga kaibigan ko.
Kapag may tumatawag sa akin, ngingiti ako. ‘Bongga naka-veneers ka.’
Sabi ko ‘DIY lang’.
Hanggang sa nagkakaroon na ko ng singaw, tonsilitis, tapos gasgas na ‘yung mga gilagid ko, pati ‘yung gums ko.
Hindi ko alam kung paano ko siya tatanggalin.
Pumasok na sa isip ko na, i-nailcutter ko.
Habang nine-nail cutter ko, gumagalaw ‘yung lahat ng ngipin ko.
‘Di na talaga ako pinutulog.
Pagkahatak ko ng isa, sumama ‘yung ipin ko na buo.
Iniiyak ko siya kasi nahugot ‘yung ipin ko na hindi naman dapat mahuhugot.
Hindi ako kumakain na nu’n.
Tubig na lang pumapasok sa bunganga ko
‘Yung kirot, tsaka ‘yung trauma na naranasan ko hanggang ngayon, baon-baon ko.
65 pesos ang pagkabaili ko pero ‘yung perwisyo na inabot ko ang laki ng gastos sa gamot.”
-Reysel, nagpalagay ng bagsak-presyong DIY veneers