10/09/2026
🤱🦷 The Municipality of Boac brings you “Breastfeeding Awareness Month Celebration 2026”!
Nakikiisa ang Provincial Health Office – Oral Health Program, PDA–Marinduque, at RHU Boac – Oral Health sa pagdiriwang na naglalayong palakasin ang kamalayan at suporta para sa breastfeeding at kalusugan ng bawat ina at sanggol.
Bilang bahagi ng programa, isinagawa ang Oral Health Awareness, free consultation at pamamahagi ng Oral Health Kits upang maitaguyod ang wastong pangangalaga sa kalusugan ng bibig—sapagkat ang malusog na ina at sanggol ay nagsisimula sa tamang kaalaman at pangangalaga. 💙
Alaga sa Ina. Alaga sa Sanggol. Alaga sa Ngiti. 🍼