12/06/2026
Ang nakaraan ay hindi para kalimutan, ang kasalukuyan ay hindi para sayangin, at ang kinabukasan ay hindi para pabayaan.
Maligayang Araw ng Kalayaan! Nawa’y magsilbing paalala ang araw na ito na ang kalayaang ating tinatamasa ay bunga ng sakripisyo at pakikibaka ng ating mga ninuno.
Nawa’y magkaisa tayo sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala, katapatan sa paglilingkod, at pananagutan sa bayan—mga pagpapahalagang hindi dapat nalilimutan sa gitna ng mga pangakong binitiwan sa sambayanan.
Higit sa lahat, nawa’y manatili sa ating puso ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino: pagmamahal sa bayan, malasakit sa kapwa, at pagkakaisa para sa mas maayos na kinabukasan.
Maligayang Araw ng Kalayaan!
Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭✨