15/08/2020
CSF COVID-19 UPDATE | August 14, 2020
Ngayong araw, siyam (9) na aktibong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Siyudad.
Tatlo (3) naman ang recoveries na kinabibilangan ng:
Panipuan-1
Sto. Rosario-1
Telabastagan-1
Buhat nito, nasa isandaan at walo (108) na ang aktibong kaso sa San Fernando.
Narito ang mga barangay na may kaso ng COVID-19 at ang bilang nila.
Kung wala sa listahan ang inyong barangay, nangangahulugan na wala pang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa inyong lugar.
Fernandinos, ngayong muling dumadagdag ang kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan ng Pampanga, ibayong pag-iingat ang kinakailangan. Kung maaari, huwag munang lumabas ng mga tahanan o dumayo sa ibang mga lugar kung saan mataas ang kaso ng COVID-19.
Kapag naman lalabas ng bahay para sa importanteng lakad, panatilihin ang SOCIAL AT PHYSICAL DISTANCING, MADALAS NA PAGHUHUGAS NG MGA KAMAY, AT TAMANG PARAAN NG PAG BAGHING O PAG UBO. Siguraduhin ring natatakpang ang ilong at bibig ng FACE MASK upang hindi makasagap ng virus.
Panatilihin po natin ang kaligtasan at sumunod sa mga tagubilin ng Department of Health (DOH) at ng national at local government.