Nunez Dental Clinic - Albay, Philippines

Nunez Dental Clinic - Albay, Philippines Ma. Rafaelita Sayson-Nunez,DMD

General Dentistry, Orthodontics, Esthetics, Temporomandibular Disorder, and Orofacial Pain

22/03/2023
02/05/2022

Epekto ng BREASTFEEDING sa Ngipin ng Inyong Chikiting

Ayon sa pag-aaral, ang mga batang napa-breastfeed ay napag-alamang may malalakas na ngipin, may matitibay na enamel at ligtas sa tooth decay. Sa pagsasaliksik, ang Breast Milk ay mahahalintulad sa tubig kaya napapatibay nito ang mga ngipin ng mga chikiting.

Ang Breast Milk ay mabisang panlaban din sa mga bacteria na sanhi ng tooth decay.

At ang isa pang magandang dulot ng breastfeeding ay ang MAS MAAYOS na "bite" ng mga bata. Sa patuloy na pagbe-breastfeed sa unang anim na buwan, napag-alaman sa isang pag-aaral na ang mga batang ito ay hindi nagkaroon ng "bite issues" tulad ng open bites, overbites and cross-bites sa kanilang pagtanda.

Kaya naman mga Momshies, magpa-breastfeed, para ngiting tagumpay ang iyong kid!



02/05/2022

PANGAnib sa PANGA

Sumasakit ba ang panga mo?
Kung may pananakit sa paligid ng tenga, habag ngumunguya, may clicking na tunog, masakit na kalamnan sa paligid ng panga, hirap sa pagbuka ng bibig, pananakit ng ulo, mukha at leeg…

Naku, naku, naku…. Punta na sa Dentista at ipatingin ang iyong TEMPOROMANDIBULAR JOINT o TMJ.

Ang TMJ ay ang nagpapagalaw ng panga kasama ang mga muscles, buto at mga connective tissues.

Hindi lang basta-basta ang panga. Ito ay sang komplikadong joint kaya naman hindi madaling makita ang sanhi ng mga sintomas.

Malaki ang magiging tulong ng dentista para maibsan ang sakit at sa pagtuklas ng dahlian ng mga nararamdaman sa TMJ.

Kaya if may problem sa TMJ, see your dentist right away!


02/05/2022

Ang ating ngipin ay hindi lamang parte ng isang magandang ngiti. Ito ay mahalaga upang makapagsalita ng maayos at makakain.

May mga pag-aaral sa mga 65 years old pataas na may maayos na Oral Health ay may maayos na pang-kabuuang kalusugan ng katawan.

Sa pagsasaliksik isa sa tatlong tao na may edad 65 pataas ay nawalan na ng anim o higit pang ngipin sa kanyang tanang buhay. At isa sa sampu ay tuluyan nang nalagas lahat ng ngipin.

Ang mga rason ng pagkabungi ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng tamang pangangalaga ng Oral Health at regular na bisita sa Dentista. Ang tooth decay at sakit sa gilagid ang siyang pangunahing dahilan ng pagkabungi o pagkabungal.

Palaging magsipilyo 2 beses sa isang araw sa loob ng 2 minuto gamit ang fluoride toothpaste. Gumamit din ng dental floss kung kinakailangan. Ang iyong dentista ay maari rin mag mungkahi ng mouth rinses upang maiwasan ang tooth decay.

May mga pagkakataong hindi maiiwasan ang pagkabungal sanhi ng mga malubhang karamdaman tulad ng Cardiovascular Disease at Diabetes. Ipaalam sa denitsta kung ikaw ay may malubhang sakit.

Sa pangkalahatan, ang pagkabungal ay hindi maiiwasan sa pagtanda. Ang tamang pangangalaga sa Oral Health ang iyong panlaban dito.

Alagaan ang ngipin para kasama mo siya sa pagtanda! You and your teeth, may forever!


02/05/2022

Address

Daraga
4501

Opening Hours

Monday 10am - 5pm
Tuesday 10am - 5pm
Wednesday 10am - 5pm
Thursday 9am - 5am
Friday 10am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Telephone

+639178609966

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nunez Dental Clinic - Albay, Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category