09/09/2026
Doc Bakit kailangan pastahan? temporary lang naman, mapapalitan din paglaki nya?
Ang mga temporary teeth ay hindi dapat balewalain just because TEMPORARY lang sila
OO mapapalitan din sila sa future pero merong tamang edad kung saan lalabas ang permanent
Here are some of the reasons bakit kailangan isave ang temporary teeth or baby teeth.
1. Gabay ang temporary teeth para sa paglabas ng permanent teeth na nasa ilalim nito
- kung maagang nasira ang baby teeth at nauwi sa bunot pwedeng maligaw ng tubo ang permanent teeth(magsungki),
mawalan sya ng space dahil sa paggalaw ng iba pang ngipin or madelay
ng tubo
2. Makakatulong ito sa maayos na pagbigkas ng mga salita
- tayo ngang matatanda hirap sabihin ang "s", "f", "t" at "th" sila ring mga bata
3. Nakakatulong itong kumain ng masustansyang pagkain upang maiwasan ang malnutrition
- karamihan sa mga batang masakit ang ngipin gatas lang ang iniinum at hindi kumakain ng pagkain,
pwede itong magdulot ng kakulangan sa timbang or malnutrition, ikaw ba kaya mo kamain ng masakit ang
ngipin mo? diba hindi!
4. Maiiwasan ang malalang impeksyon na pwedeng makapinsala sa permanent teeth na nasa ilalim nito
- hindi porke baby teeth sila maliit lang or temporary ay hindi na sila pwedeng magkainfection. Pwede rin itong
kumalat at maging dahilan ng pamamaga ng mukha ng mga bata
Visit us at K.E.L Dental Center
MT VIEW BALIBAGO BRANCH
09066478687/09438605635
OPEN EVERYDAY MON TO SUNDAY 9:00AM TO 5:00 PM
LNW ANGELES BRANCH
09209181984
OPEN EVERYDAY MONDAY TO SUNDAY 9:00 AM TO 5:00 PM